Ang mananalo sa nominasyon ng "Photographer ng taon" ay makakakuha ng
Nikon Z7 II na camera
kumpleto kasama ang Nikkor Z 24-70mm f/4 S na lens


6000 USD
Ang bawat isa sa mga mananalo sa nominasyong isang-kuha ay makakakuha ng $300.
210
10 finalist sa bawat nominasyon ang makakakuha ng estadong MyWed Pro+ para sa susunod na 12 buwan

Mga yugto ng paligsahan
-
Pagsusumite ng entry
Deadline
1 Pebrero — 15 Oktubre
15 Oktubre
-
Maikling listahan
16 Oktubre — 15 Nobyembre
-
Paghatol
16 — 30 Nobyembre
-
Anunsyo ng mga panalo
Mga Resulta
15 Disyembre
Photographer ng taon
Ang nominasyon ay naglalaman ng mga serye ng larawan na kinunan sa isang kasal.
ginaganap taon-taon
12 pangunahing mga nominasyon
Mga bisita ng kasal
Ang mga kaibigan, kapatid, magulang at malalapit na kaibigan ng bagong kasal
10 finalistSeremonya
Reaksyon ng groom sa paglakad ng bride sa pasilyo at iba pang espesyal na sandali mula sa pagdiriwang ng kasal
10 finalistSandali
Hindi ka na magkakaroon ng ikalawang pagkakataon upang kunan ang isang bagay na tulad nyan
10 finalistUnang sayaw
Ang pinakasentro ng reception, habang ang mga bagong kasal ay nagsasayaw sa unang pagkakataon na lahat ng mga mata ay nakatuon sakanila
10 finalistXiang Qi
@anelareIsang photographer ng kasal mula sa Tsina na may 12 taong karanasan sa pagkuha ng litrato. Ang pagkamalikhain at dokumentaryo ang kanyang talento. Top-10 na Photographer ng Kasal sa mundo ng ISPWP noong 2020–2021, Top 100 na Photographer ng Kasal sa mundo ng Fearless noong 2016–2021, at 5-beses na finalist sa "Photographer ng Taon" na nominasyon ng MyWed Wedding Award. Naging miyembro din siya ng hurado ng ilang internasyonal na kumpetisyon sa pagkuha ng litrato.
Jesse La Plante
@jlaplantephotoSi Jesse La Plante ay isang photographer na nakabase sa Colorado na nagsu-shooting ng mga kasalan mula pa noong 2008. Noong 2021, siya ay pinangalanang The XP Top 10, Fearless Top 50, WPJA Top 50 at ISPWP Top 100. Kapag hindi kumukuha ng litrato sa mga kasal, makikita siyang nag-skiing. , kumakain ng maraming taco at/o nagtatrabaho sa kanyang beer belly sa isa sa maraming mahuhusay na craft brewery ng Colorado.
Albert Pamies
@albertpamiesSi Albert ay isang Espanyol na photographer na kumukuha ng mga kasal sa buong mundo at ginawaran sa nakalipas na 10 taon ng pinakamahusay na internasyonal na mga asosasyon ng mga photographer sa kasal gaya ng Fearless at Inspiration Photographers bukod sa iba pa. Noong 2019, siya ay unang niraranggo sa mundo sa MyWed salamat sa isang napakaingat na astetiko sa kanyang potograpiya kung saan ang liwanag at komposisyon ay hindi lamang nagdaragdag ng kagandahan ngunit nakakatulong din sa mas malaking emosyonal na epekto.
Daniele Vertelli
@danielevertelliSi Daniele Vertelli ay naging Photographer of the Year 2020 sa MyWed, 2 beses na nagwagi sa AG|WPJA, grand award winner ng WPPI Album Division noong 2017. Siya ay pinangalanang Best Italian Photographer 4 na beses at kasama sa Top10 ISPWP at Top10 Fearless Photographers. Gustung-gusto ni Daniele ang realidad, mga di-ginawang eksena at ang light post productions, ang malambot at natural na mga kulay, ngunit higit sa lahat – ang mga emosyon.
Miguel Ponte
@cmiguelponteSi Miguel Ponte ay kinikilala ng marami bilang isa sa mga pinakamahusay na photographer sa kasal mula sa Portugal sa nakalipas na ilang taon. Nagwagi ng MyWed Wedding Award 2018 sa kategoryang "The Unexpected Twist", at ilang beses na naging finalist noong 2020. Isang hanay ng 30 jurado ng Pederasyon ng Mga Photographer ng Europa ang nagpangalan sa kanya bilang Photographer ng Kasal ng Taon ng Europa noong 2021. Sa parehong taon, siya ay niranggo sa ika-15 sa ISPWP Top 100, ika-6 sa Top 100 XP Photographers, at ika-5 sa Top 100 ProWed, na nangangahulugan na isa siya sa pinaka-consistent at mahusay na mga photographer sa kasal sa mundo.
Emil Boczek
@emilboczekSi Emil ay isang award-winning na documentary wedding photographer, kasalukuyang nakatira sa UK kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Kinikilala sa iba't ibang mga asosasyon sa photograpiya: Top 25 WPJA, Top 100 Fearless Photographer at This is Reportage, SLR Lounge UK Top 100 list. Gumagamit ng Nikon mula noong 1988.
Denise Motz
@denisemotzSi Denise ay may pasyon para sa photojournalistic na potograpiya, kung saan ang mga damdamin, sining at katatawanan ay may mahalagang papel. Siya ay higit na masaya kapag siya'y nakakapaglakbay, maghanap ng pakikipagsapalaran at idokumento ang magagandang karakter at ang kanilang mga kuwento. Photographer of the Year 2020 FdB, Top 10 Masters of wedding photography BeNeLux 2021, finalist sa 3 single-shot nomination at sa 'Photographer of the Year' nomination ng MyWed Wedding Award 2020. Si Denise ay isang internasyonal na tagapagsalita at nakapagpapasiglang tagapagturo na nakabase sa Netherlands at Italya.
Elena Flexas
@elenaflexasIsang photojournalist ng kasal na nakabase sa Mexico at interesadong magkuwento ng totoo at natural na "sure shots". Finalist ng MyWed Wedding Award 2020 & 2021. Pinarangalan ng Fearless. Nangungunang 100 ISPWP 2020 & 2021. Nangungunang 100 This is Reportage 2020. Nangungunang 20 Inspiradong Photographer at hinirang sa Golden Lens Awards na "Revelation of the Year 2021".
Kemran Shiraliev
@kemranSa 12 taong karanasan sa pagkuha ng litrato, si Kemran ay nakakuha na ng higit sa 700 kasal. Ang orihinal na diskarte at isang hindi karaniwan na pananaw sa potograpiya ay nakatulong sa kanya na manalo sa iba't ibang mapagkukunan sa internet at mga paligsahan para sa mga photographer sa kasal sa ilang partikular na panahon. Kaya, noong 2016 at 2021, naging Best Wedding Photographer siya ng ISPWP, Top 10 Fearless Photographers noong 2018 at 2021, Photographer of the Year 2021 ng XP Photographers. Si Kemran ay naging finalist sa Wedding Award Russia, finalist at nagwagi sa ilang mga nominasyon ng MyWed Wedding Award. Ang pakikilahok sa mga kumpetisyon ang nagbibigay sa kanya ng pinakamataas na pagganyak at maging ang pakiramdam na gawin itong kompetisyon. Sa kasalukuyan, si Kemran ay madalas na kumukuha at nagtuturo ng potograpiya.
mga patakaran
Sino ang maaaring sumali?
Sinumang propesyonal na photographer na nasa ligal na edad.
Mga sukat at format
Lahat ay nasisiyahang tingnan ang magagandang kuha sa mataas na kalidad. Pakisuyong i-upload ang mga larawan na may resolusyon nang hindi bababa sa 2400 na pixel sa mas mahabang gilid o mas malaki.
Ang file ay kailangang maglaman ng EXIF data para masuri namin ang petsa ng pagkuha.
Pag-akda ng mga larawan
Itinuturing na ang may akda ng isang larawan ay ang taong may hawak sa kamera at pumindot sa shutter button.
Sa pagpapadala ng isang larawan sa palisahang MyWed Award, kinukumpirma mo na ikaw ang may akda nito.
Pinapayagan na gumamit ng hanggang sa 10 na mga larawan mula sa mga assistant sa nominasyong "Photographer ng taon" (serye ng mga larawan).
Ginagarantya mo rin na walang ikatlong partido na tututol sa pagsali ng iyong mga larawan sa paligsahan.
Paano magkaroon ng bahagi?
Kailangan ay miyembro ka ng MyWed upang makasali.
Magpalista sa MyWed, mag-upload ng 20 na mga larawan sa iyong portfolio at maghintay ng pag-apruba mula sa aming mga editor.
Kapag naaprubahan na, maaari ka nang magpadala ng mga larawan sa paligsahan.
Miyembro na? Pumili lamang ng mga larawan at kwento mula sa iyong portfolio.
Bilang ng mga serye at larawan
Maaari kang magpadala ng isang larawan para sa bawat isang-kuha na nominasyon at isang serye ng mga larawan para sa nominasyon sa "Photographer ng taon". Kailangang maglaman ang serye ng mula 40 hanggang 60 na mga larawan.
Bayarin sa pagsali
45 USD sa lahat ng nominasyon. Libre para sa MyWed Pro na mga miyembro.
Mga Gantimpala
Ang mananalo sa nominasyon sa "Photographer ng taon" ang makakakuha sa kamerang Nikon Z7 II na may Nikkor Z 24-70mm f/4 S lens.
Ang mga nominasyon sa isang-kuha ay may kabuuang pondo na 6000 (Ang mga mananalo sa bawat 20 na mga nominasyon ay tatanggap ng $300).
Ang mananalo ay ekslusibong magiging responsable sa pagbabayad ng buwis sa napanalunang premyo kung ito ay kinakailangan ng kanilang bansa.
Mayroon kang katanungan? Kailangan ng aming tulong?
Kontakin kami dito o i-email kami sa info@mywed.com
Anong mga larawan ang maaaring isumite?
Tanging ang mga larawan lamang na kinunan sa 2020 – 2022 ang tatanggapin.
Mangyaring tandaan na ang serye ng mga larawan na isinumite sa nominasyong "Photographer ng taon" ay dapat na binubuo ng mga larawang kinunan sa isang kasal.
Anong mga larawan ang ipinagbabawal?
Huwag mag-sumite ng mga larawan na may mga frame, malaking watermark o mga logo.
Gayundin iwasan ang mga larawan na may mga diptych, triptych, multi exposition, labis na post-produksyon, mga design element, etc.
Ang mga larawan mula sa mga workshop ay hindi pinapayagan.