-
Pagsusumite ng entry
Deadline
20 Oktubre 2020 — 1 Enero 2021
1 Enero
-
Maikling listahan
1 — 31 Enero
-
Paghatol
1 — 15 Pebrero
-
Anunsyo ng mga panalo
Mga Resulta
20 Pebrero
Ang mananalo sa nominasyon ng "Photographer ng taon" ay makakakuha ng
Nikon Z7 II na camera
kumpleto kasama ang Nikkor Z 24-70mm f/2.8 S na lens


20 mga nominasyon na may kabuuang pondo ng premyo na
6000 USD
Ang mga mananalo sa isang kuha na nominasyon ay makakatanggap ng 300 USD

Photographer ng taon
Ang nominasyon ay naglalaman ng mga serye ng larawan na kinunan sa isang kasal.
ginaganap taon-taon
12 pangunahing mga nominasyon
Engagement
Kaakit-akit na mga alaala tungkol sa pagmamahalan ng magkasintahan bago ang kasal
10 finalistMga bisita ng kasal
Ang mga kaibigan, kapatid, magulang at malalapit na kaibigan ng bagong kasal
10 finalistSeremonya
Reaksyon ng groom sa paglakad ng bride sa pasilyo at iba pang espesyal na sandali mula sa pagdiriwang ng kasal
10 finalistSandali
Hindi ka na magkakaroon ng ikalawang pagkakataon upang kunan ang isang bagay na tulad nyan
10 finalistUnang sayaw
Ang pinakasentro ng reception, habang ang mga bagong kasal ay nagsasayaw sa unang pagkakataon na lahat ng mga mata ay nakatuon sakanila
10 finalistpagbabago taon-taon
8 karagdagang mga nominasyon
Zentality
Elegante at kalmadong mga larawan na may perpektong balanse ng kulay at komposisyon
10 finalistNot So Simple
Mga kuha na ginawa gamit ang mahihirap na diskarte sa potograpiya at komposisyon
10 finalist
Christian Macias
@christianmaciasAng "Photographer ng Taon" ng MyWed Award noong 2019, ang nagwagi sa nominasyon na "Mga Bayani ng Araw" at finalist sa nominasyon na "Paghahanda", Nangungunang 10 ISPWP sa 2 nominasyon. Isang Kristiyanong nakatuon sa mga pagkakaiba sa buhay, mga hindi malilimutang sandali at hindi maibabalik na di-planadong mga sitwasyon na nagpamulat sa kanya sa kanyang tunay na pagmamahal sa pagkuha ng larawan.

Patrick Lombaert
@patrick22Si Patrick ay isang talentadong photographer na nagmula sa Brittany, isang lugar na Pranses. Matapos ang 10 taong karanasan sa pagkuha ng larawan, pinangalanan siyang Nangungunang 100 sa Fearless Photographers, This is Reportage at Nangungunang 20 na Napiling Larawan ng Kasal noong 2019. Sa tingin ni Patrick ay mga "junkies" ang mga photographer ng kasal: sikolohikal at pisikal na napagod sa pagtatapos ng isang panahon sa lahat ng pamumuhunan na ibinibigay nila sa kanilang trabaho, palagi silang nagsusumikap para sa pagsisimula ng isang bagong panahon.

Matthew Sowa
matthewsowaphotography.comSi Matthew Sowa ay isang kilala sa mundo, nanalo na ng parangal na photographer sa kasal sa Lungsod ng New York. Siya ang "Photographer ng Taon" 2019 ng Master Photographers of North America at Nangungunang 10 ng Fearless Photographers noong 2018. Ang kanyang lakas, pagkamalikhain at kumbinasyon ng sining sa potograpiya at pamamaraang pamamahayag ay tumutukoy sa kanyang istilo.

Elena Haralabaki
@elenaharalabakiSi Elena ay kinilala ng pinaka-importanteng mga samahan ng potograpiya sa kasal: Nangungunang 10 sa Fearless Photographers at This is Reportage, Nangungunang 5 sa AGWPJA at WPS noong 2019. Isang finalist sa nominasyon ng 3 solong kuha at sa nominasyon ng "Photographer ng Taon" ng MyWed Award 2019. Si Elena ay isang tagapagsalita sa mga internasyonal na kumperensya, isang guro, isang tagapayo at isang walang kapantay na photographer sa kasal mula sa Greece na may mga larawan na napakalinaw at punong-puno ng emosyon.

Igor Bulgak
@bulgakigorAng may hawak ng record para sa paglahok sa finals sa nominasyong "Photographer ng Taon" ng MyWed Award 2012 - 2016, 2018 at 2019. Ang unang puwesto ng WPPI 2019 sa kategoryang "Album Division", ang "Pinakamahusay na Photographer sa Kasal" ng White Awards at Wedding Awards noong 2018. Binibigyan pansin ang bawat detalye at may epektong pagkamangha sa bawat imahe na gumagawa ng mga espesyal na estetika sa pananaw ni Igor. Ang kanyang mga gawa ay nakikilala sa pamamagitan ng isang espesyal na estetika, ang kanilang mga kulay ay madaling makilala sa unang tingin.

Daniel Monteiro at Raquel Pratas
meninoconhecemenina.comDalawang pares ng mga mata, dalawang daliri sa gatilyo, subalit iisa lang ang puso! Ang Menino Conhece Menina ay isang mag-asawa sa Portugal, sina Daniel Monteiro at Raquel Pratas. Pinagsama sila ng mga olibo at arkitektura ngunit ang potograpiya ang naging landas nila. Kumukuha sila ng mga larawan sa isang tunay na emosyonal na paraan: mga nakapanindig balahibo, mapangusap na mga mata, luha ng kagalakan at kaligayahan. Nangungunang 25 sa WPJA at Nangungunang 30 sa This is Reportage noong 2018.

Kristof Claeys
@KristofClaeysSi Kristof ay kinikilala sa iba't-ibang mga samahan ng potograpiya: Nangungunang 100 sa Fearless Photographers, Nangungunang 30 sa This is Reportage at Masters of Wedding Photography. Ang pinakamahusay na photographer mula sa Belgium sa MyWed at isang apat na beses na finalist ng MyWed Award sa nominasyong "Photographer ng Taon". Isang miyembro ng hurado ng ilang mga internasyonal na paligsahan. Mas gusto ni Kristof ang istilong dokumentaryo sa pagkuha ng larawan at sinusubukang makahanap ng kagandahan sa mga ordinaryong sitwasyon.

Leonel Longa
@leonellongaIsa sa pinakamahusay na mga photographer sa kasal mula sa Venezuela sa MyWed. Finalist sa nominasyon na "Paghagis ng Bouquet" ng MyWed Award 2019. Palakaibigan at masayahin mula nang ipinanganak, likas na malikhain. Madamdamin Mahilig sa kulay, simetrya, mga ilaw, anino at magagandang sandali ng buhay. Ang pangunahing layunin ni Leonel ay ang maging pinakamahusay sa pamamagitan ng pagbubusog sa kanyang sarili ng lahat ng kaalamang nakukuha niya sa proseso ng pagkuha ng larawan.

David Scholes
davidscholesphotography.co.ukIsang ikatlong henerasyon na photographer ng kasal, palakaibigan, makuwantong tao, at ama ng dalawang bata. Sampung taon nang kumukuha ng mga larawan, mas gusto niya ang dokumentaryong pamamaraan. Propesyonal at patuloy na natututo, kasama siya sa Nangungunang 3 sa Masters of UK Wedding Photography, Nangungunang 5 sa This is Reportage 2020, kasama sa listahan ng Nangungunang 100 ng SLR Lounge UK, at Nangungunang 50 sa Fearless Photographers.

Ufuk Sarışen
@ufuksarisenGinawang karera ni Ufuk ang kanyang libangan 14 taon na ang nakakalipas, at ngayon ay niraranggo siya bilang numero 1 na litratista ng Turkey sa MyWed at finalist ng MyWed Award 2019 sa 3 nominasyon. Itinuturing ni Ufuk ang potograpiya ng kasal bilang isang panghabang buhay na proyekto. Daan-daang mga mag-asawa mula sa 22 na mga bansa ang nagtataglay ng hindi mababawi na emosyonal o nakakaaliw na mga sandali na nakunan ni Ufuk na masigasig tungkol sa magandang pagdodokumento sa kanila.
mga patakaran
Sino ang maaaring sumali?
Sinumang propesyonal na photographer ng kasal, na 18 taong-gulang o pataas.
Mga sukat at format
Lahat ay nasisiyahang tingnan ang magagandang kuha sa mataas na kalidad. Pakisuyong i-upload ang mga larawan na may resolusyon nang hindi bababa sa 1200 na pixel sa mas mahabang gilid o mas malaki.
Ang orihinal na sukat ng mga larawan ay malugod na tinatanggap.
Pag-akda ng mga larawan
Itinuturing na ang may akda ng isang larawan ay ang taong may hawak sa kamera at pumindot sa shutter button.
Sa pagpapadala ng isang larawan sa palisahang MyWed Award, kinukumpirma mo na ikaw ang may akda nito.
Pinapayagan na gumamit ng hanggang sa 10 na mga larawan mula sa mga assistant sa nominasyong "Photographer ng taon" (serye ng mga larawan).
Ginagarantya mo rin na walang ikatlong partido na tututol sa pagsali ng iyong mga larawan sa paligsahan.
Paano magkaroon ng bahagi?
Kailangan ay miyembro ka ng MyWed upang makasali.
Magpalista sa MyWed, mag-upload 20 ng mga larawan ng kasalan at isang kwentong kasalan (isang serye ng nga larawan na kinunan sa iisang kasalan lamang) sa iyong portfolio at maghintay sa pag-apruba.
Matapos maaprubahan, maaari mo nang ipadala ang iyong mga larawan at kwento sa paligsahan.
Miyembro na? Pumili lamang ng mga larawan at kwento mula sa iyong portfolio.
Bilang ng mga serye at larawan
Maaari kang magpadala ng isang larawan para sa bawat nominasyon at isang serye para sa "Photographer ng taon" na nominasyon. Maaari kang mag-upload ng 40 hanggang 60 na mga larawan bawat isang serye.
Bayarin sa pagsali
45 USD sa lahat ng nominasyon. Libre para sa MyWed Pro na mga miyembro.
Mga Gantimpala
Ang mananalo sa nominasyon ng "Pinakamahusay na Kwento ng Kasal" ay makukuha ang titulong "Photographer ng Taon" at ang Nikon Z7 II na camera na may kasamang Nikkor Z 24-70mm f/2.8 S na lens na ibinigay ng ating namumukod na isponsor, ang kumpanyang Nikon.
Ang mga nominasyon na binubuo ng iisang larawan ay may kabuuang pondo ng premyo na $6000 (ang bawat mananalo ng nominasyong ito ay makakatanggap ng $300).
Mayroon kang katanungan? Kailangan ng aming tulong?
Kontakin kami dito o i-email kami sa hello@mywed.com
Anong mga larawan ang kailangang isumite?
Mga larawan sa kasal lamang (hindi kasama ang nominasyon ng Engagement).
Tandaan na ang serye ay dapat maglaman ng mga larawan na kinunan sa isang kasal.
Isumite ang iyong 2020 – 2021 mga larawan.
Anong mga larawan ang ipinagbabawal?
Huwag mag-sumite ng mga larawan na may mga frame, malaking watermark o mga logo.
Gayundin iwasan ang mga larawan na may mga diptych, triptych, multi exposition, labis na post-produksyon, mga design element, etc.
Ang mga larawan mula sa mga workshop ay hindi pinapayagan.